Nabasa ko lang from my friend's post sa FB at gusto ko lang din i-share at ibigay opinion or base sa buhay ko. :) Obviously copy paste siya kasi iba yung font Haha. =)
Natatawa lang din kasi ako habang binabasa to. Naaalala ko yung mga taong nakilala ko dati at yung mga taong nakakairita na nabubuhay pa ngayon ;)
IBAT IBANG KLASE NG BABAE:Natatawa lang din kasi ako habang binabasa to. Naaalala ko yung mga taong nakilala ko dati at yung mga taong nakakairita na nabubuhay pa ngayon ;)
1. Pa-conyo - sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay….agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.
- Siguro ito na yung category na pinaka-uso ngayon. Haha. Kaso minsan parang gusto mo sabihin sa iba na "BINABAGAYAN DIN ANG PAGIINARTE TEH" Hehe. Ang mean lang :P
2. Top-of-the-line sosyalera - Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!
- Artistahin ang peg ng mga to. Mukang wala akong kaibigang ganyan. Mayaman oo, pero hindi maarte ;)
3. Feeling or Illusionaries - mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.
- Marami ako kilalang ganito kaya ito ang pinaka-nakakatawa. Yung tipong minsan nabubuking na sila pero may palusot pa din, never natatalo sa usapan. Haha. Ang hilig pa mag-yabang. Pero love ko din sila kahit papano, hindi kasi sila nauubusan ng kwento. Haha.
4. One-of-the-boys - Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba… Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm…
- Ayan, ganito naman ako. ;) Mas madali naman kasi talaga paki-samahan ang lalaki (lalo na kung uto-uto CHOS! :P) Kaya may ibang taong chismosa akala nila malandi ka pero friendly ka lang talaga :D Pero mas marami naman yung kaibigan kong babae. =) Hindi lang ako agree sa last statement na "kawawa" dahil hindi ako papayag. :P
5. Girlfriend-material - Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh… OO.
- Atleast meron pa din nabubuhay na Maria Clara sa mundo. Minsan nga lang naapektuhan na sila ng kagaslawan ng kaibigan kaya medyo masagwa tignan. Hindi ka kasi sanay na mag-jjump shot siya kasama mo lalo na kung slow motion ang pagtalon niya Haha.
6. Man-hater - Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.
- Noon hindi ako ganito, pero ngayon OO Hehe. Pero hindi naman masyado, nag-iingat na lang. Nadala na din siguro ako sa past almost 6 years relationship ko. Happy pa din naman kahit ganun. Family na muna siguro for this year. May mga kilala din akong ganito. At dahil sa sobrang choosy nila, ayun wala pa din asawa.
7. Pa-Girl. OA sa pagka girl - mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets.. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din… awts!
- Karamihan sa mga ganito maganda naman talaga, kaso minsan talaga may pagka-Shunga. Ewan ko ba kung natataon na maganda lng talaga sila at walang utak. Kung ako naman kuntento na ako nakikita sarili ko sa salamin oras-oras, pero hindi yung tipong pauwi na nga lang ng bahay magbubuhos pa ng sangkatutak na make-up sa muka.
8. Super Friendly. - By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.
- At dahil nag-aangat ako ng sarili ko bangko, ganito din ako =D Pero hindi lang din naman ako ang nag-sasabi, sila din naman. Kaya ko din kasi sila bigyan ng magandang payo. Kaya mahal ako ng mga kaibigan ko e. (ipagtanggol pa ang sarili) Haha. Misinterpret? Pagchismisan? Na-experience ko na yan! Tama nga "Ang hirap din minsan ng masyadong mabait" ;)
9. Doble-Kara - Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.
- Eh yung may mga kaibigang akong ganito kapag lasing! Nakakaloka sila minsan, kaya ang tangi mong magagawa ay umagree sa sinasabi nila, dahil kung hindi aawayin ka nila. Kulang nalang batukan mo e. Buti na lang yung iba natutulog na lang, malas lang nila kung naisipan namin lagyan siya ng lipstick sa muka.
10. Ms. Know-it-All. - Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-buhol na kasinungalingan.
- Agree ako dito, may mga tao din talagang matalino lang sa ibang bagay. Ito din yung kaibigan mong weirdo na parang si #3. Na-experience ko na din to sa isang kaibigan. Ayun, walang matinong boyfriend, dahil masaya siya manloko ng lalaki pero ang hindi niya alam siya naman ang nalalamangan. Tsk.
11. Problematic. - Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan.. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.
- Sila yung kaibigan ko na kailangan talaga ng abot langit na atensyon. Yung tipong sa sobrang inis mo hindi mo na pinapansin pero minsan naiisip ko na nakakaawa din sila dahil kailangan talaga nila ng kausap. Pero sana naman wag na yung pa-ulit-ulit.
12. Babaeng-Bakla.- Isa sa pinakagusto kong personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo.. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang yun lambing lang niya iyon.
- Ayun, dahil sa ganito ang kinikilos ko minsan, napagkakamalan na akong bakla. Ayoko kasi ng dull moments, gusto ko masaya lang. Kung humor ang usapan, meron naman siguro ako niyan. Nakakatuwa din kasi minsan na nakikita mong yung mga kaibigan mong masaya dahil sayo at sa mga walang kwenta mong biro.
13. Silent but deadly.- Maria Clara ang datingan, Di sila masyadong palakibo, or masalita. Kung magsasalita man eh parang sila lang nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin… Nasa loob ang kulo nila. Talagang mabibigla ka sa matutuklasan mong ibang side ng girl na ito.
- Ito yung tipo ng kaibigan kong akala mo malinis tahimik at walang gagawing masama. Pero ayun, makikita mo sa facebook may anak na. :D
14. Camwhore - Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang.. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro mukha na nia ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Uuuyyy gagawin na nila yan lagi hehehe.. Daming picture sa fs, fb or multiply na puro mukha lang naman… na naka-side.
- Gusto ko ng pictures!! Pero yung tipong kasama pati mga turnilyo at pako? OA na! :D May kaibigan din akong ganito, yung kahit hindi na kayo nag-kikita eh umay na umay ka na sa muka niya, dahil pagbukas mo pa lang ng FB mo, yun na agad ang bungad, at pag-scroll mo sa pababa siya pa din, at nag-upload pa sa album niya na "ONLY ME" o "ITS ME" o "JUST ME" Hahaha.
15. Flexible. - Eto yung girl na akala mo sa unang tingin, di mo mareach mukhang snobbish, and maselan, pero pag nakuha mo ang loob at nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na hindi one of d boys. Kahit saan nakakarating mula Rockwell hanggang Divisoria. Walang arte, Kakain kahit saan mapa Fridays or fishbolls sa kalsada. Ang sarap magkaroon ng girlfriend na tulad nila.
- Napansin niyo ba, lahat na yata ng positibo ako? Haha. Ayoko lang ng arte, hindi naman ako kagandahan o mayaman para kumilos ng di naayon =D First impression talaga kasi sa akin ng mga tao ay mataray o snobbish, expected na yun. Kaya may mga taong talagang naiinis sa akin. Tse! :P Super gala din talaga akong tao, kahit walang pera basta libre go ako. Minsan sa pagkain din ako choosy, pag-nag-crave ako gusto ko yun ang makain ko. Honestly, kumakain naman ako ng inihaw na dugo at sardinas. Solve na ako dun! ;)
16. Flirt. - In tagalog, Malandi. Syota ng bayan…. game! Kadalasang sila yung mga liberated, bombshell na talagang pansinin manamit, magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung gwapo or mayaman.
- Osige, para may negatibo isasama ko na yung sarili ko dito. Hindi FLIRT, mean lang kumbaga, maldita lang kung minsan. Hindi naman siguro ako nag-aral para lumandi. Hindi yung tipong kapit sa patalim. Pero yan ang tingin nila sa akin, kasi nga FRIENDLY ako diba? HAHA ;) At hindi rin ako mahilig sa gwapo, hindi ko din naman pinangarap maka-pangasawa ng Bakla :D May kaibigan akong literal na ganito, ayun, mayaman na siya siguro naman alam niyo ang apat na "M" =))
Pagpasensyahan niyo na kung yung ibang kwento ko ay parang hindi na konektado. Medyo antok na din kasi ako.
Salamat sa pag-basa!♥
CMD
(I dont own this post/statement) © from FACEBOOK
Gusto ko sa kaibigang babae ang 8, 12, at 16... ay 15 pala. HAHAHAH! :)
ReplyDeleteHahaha SUS!! ;)
Deletenice!! grabe..super tama :)) isa ako jan :))
ReplyDeletehttp://knickknacksnix.blogspot.com/
Hello
ReplyDeleteI love this topic. You can search for online college courses that point on this.
Regards,
Phillip Scollin